135
Wil-Dasovich
Jan 9, 2018 @ 17:38
By

Wil Dasovich tuloy ang laban sa cancer

Natapos na ng former PBB housemate na si Wil Dasovich ang kanyang chemotherapy treatment. Siyam na cycles ng chemotherapy ang pinagdaanan ng Fil-American model at vlogger pagkatapos siyang ma-diagnose with stage 3 colon cancer.

Tinanggal na rin sa kanyang dibdib ang port kung saan ina-administer ang mga gamot.

“I have one final step before I’m officially in remission. It’s gonna be a long and hard week. But to conclude this, I’d say the hardest part is over and we got through it,” pahayag pa ni Wil sa kanyang latest vlog.

Pinasalamatan ni Wil ang kanyang followers at viewers sa pagsubaybay at pagsuporta sa kanya.

“Thank you to all of you guys for being there and being my therapist and letting me speak to you even though you don’t talk back. But you do in the comments and it makes me feel a whole lot better,” ngiti pa niya.

Pero hindi pa rin daw tapos ang kanyang laban sa sakit na cancer.

“We’re not done, but were at the fourth quarter. I can see the finish line. This whole thing is something we could put aside very soon,” pagtatapos ni Wil.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?