16

By

Wil Dasovich, Taylor Swift magka-level sa ‘Shorty Awards’

Sharing is caring!

Ang layo na talaga nang narating ni Wil Dasovich bilang isang social media influencer, YouTuber or Vlogger.

Eh, paano naman, matapos niyang ma-reach ang 1 million subscribers na siyang pangarap ng lahat ng mga nasa larangang ito, heto’t big winner na siya sa Shorty Awards bilang Vlogger of the Year na ginanap sa New York City.

Ang Shorty Awards ay ino-honor lang sa the best social media influencers brands, and organization sa Facebook, Twitter, YouTube, Instagram and Snapchat.

Ang mga past winners nito ay sina Taylor Swift, Tyler Oakley, Casey Neistat, at J.K. Rowling lang naman. O, devah?

Level-up to the max talaga ang cancer survivor na dating PBB housemate na karamihang topic ay tungkol sa iba’t ibang kuwento ng buhay niya, at ng iba pang mga tao.

Tinalo niya sa nasabing award ang iba pang kilalang vloggers na sina Alex Wassabu, Jason Nash, . Scotty Sire, iJustine and Todd Smith.

Siya rin ang kauna-unahang Pinoy vlogger na tumanggap ng most-coveted title na ito para sa mga social media influencers.

Napaka-inspiring talaga ng kuwento ni Wil dahil never siyang sumuko at nagpadaig sa kanyang kanser, instead he used it para mas lalo pang lumaban sa buhay and made it through.

Siyempre, isa sa mga nangunang bumati sa kanya ay ang kanyang dyowang si Alodia Gosiengfiao na isa ring sikat na cos-player na pumunta pa sa New York para ma-witness niya ang momentous event ng kanyang boyfriend.

Congrats, Wil! Kainggit ka!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?