414

By

‘Why It Pays To Wait’ vlog ni Toni, pinuri ng madla

Naglabas ng kanyang kauna-unahang video blog sa YouTube si Toni Gonzaga.

Hindi inaasahang makakahakot ito ng atensiyon mula sa netizens na aminadong na-inspire sa vlog ni Toni.

Sa kasalukuyan ay mayroon na itong mahigit 100,000 views matapos i-post ngayong January 30.

Nagsimula ang vlog sa surprise trip ni Paul Soriano kay Toni sa Amanpulo.

Kasama ng mag-asawa ang anak nilang si Seve.

Sa bandang gitna ng video maririnig ang mga kuwento ni Toni tungkol sa pag-uumpisa ng relasyon nila ni Paul.

Dito na niya sinabi ang ilang words of wisdom niya tungkol sa paghihintay sa God’s perfect time.

“I realized that your obedience and sacrifice will always be rewarded in the end. Medyo matagal tagal ang hinintay ko para ma-experience to. Pero it was all worth it. Kaya pala ako pinaghintay ng matagal kasi may magandang nakalaan. Kung siguro pinilit kong pumunta dito noon, it would’ve cost me hundreds and thousands of pesos, and it would’ve cost me pa may relationship with my parents. But because I waited for God’s perfect time, it cost me nothing,” ilan sa words of wisdom ni Toni.

Maraming netizens ang talaga namang na-inspire rito, narito ang ilan sa kanila:

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?