39

Mar 9, 2019 @ 16:10
By

Whoopi Goldberg muntik mamatay sa pneumonia

Inilahad ni Whoopi Goldberg ang lagay ng kanyang kalusugan na dahilan kaya umabsent siya sa kanyang US panel talk show na The View ng ilang linggo.

“I am up and moving around, not as fast as I’d like to be. But I am OK, not dead,” anang 63-anyos na comedian/actress.

Aniya, muntik na umano siyang mamatay dahil na-diagnose na may pneumonia ang pareho niyang baga na nauwi sa sepsis.

“I had pneumonia, and I was septic. Pneumonia in both lungs, which meant there’s fluid, there was all kinds of stuff going on. I came very, very close to leaving the Earth. Good news: I didn’t,” kuwento pa ni Goldberg.

Ilan sa mga pelikulang tumatak si Goldberg ay sa “Sister Act”, “Ghost” at “The Color Purple”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?