362

Jan 6, 2022 @ 10:33

Who u? Modelo nilaglag si Poblacion girl

Nagpaliwanag ang model-politician na si Carlos Laurel sa mga binabato sa kanya ng mga netizen matapos siyang makita na isa sa mga kasama ni Gwyneth Chua a.k.a Poblacion girl sa naganap na kasiyahan sa Makati noong Disyembre.

Si Laurel ay pinsan ng aktres na si Denise Laurel, at tumatakbo din ito sa pagka-konsehal sa Tanauan, Batangas.

Binatikos si Carlos dahil sa larawan nito kasama si Chua, ang bebot na kinaiinisan ng sambayanan sa paglabag sa quarantine protocol matapos dumating sa bansa mula US.

Sa kanyang social media post, pinaliwanag ni Laurel na hindi niya personal na kakilala si Poblacion girl.

“Ms. Gwyneth Chua tested positive on Dec. 27, 2021 and I learned about the result the same day when my cousin messaged our group four (4) days after our dinner,” saad ni Laurel sa kanyang post. “I did NOT know she had skipped quarantine nor did I have anything to do with the incident. My immediate response was to antigen myself and my family then isolate to monitor for possible symptoms.”

“Gwyneth is the girlfriend of a friend of my younger cousins who passed by at the end of dinner, Gwyneth was NOT invited to dinner by me or my relatives,” dagdag pa ni Laurel. “I do not condone breaching of quarantine protocols, I am fully compliant and in contact with the CIDG and their current investigation on the incident.”

Dahil dito, umaasa si Laurel na malilinis ang kanyang pangalan mula sa pagkakadawit kay Chua.

Gayundin, inanunsyo ng model-politician na nag-negatibo siya sa COVID-19. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?