18

May 24, 2021 @ 14:32
By

WHO suportado pagsikreto ng bakuna brand

Sang-ayon ang World Health Organization (WHO) sa hakbang ng Department of Health (DOH) na hindi pag-aanunsiyo sa brand ng COVID-19 vaccine na gagamitin sa mga vaccination center.

Sinabi ni WHO country representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, ang hindi pag-aanunsiyo ng vaccine brand ay isang paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng siksikan at superspreader event.

Nakita aniya nila ang pagdagsa ng mga tao sa Parañaque City nang ianunsyo ang paggamit ng branded na bakuna.

“I think it is a correct step in the right direction because this will help us to manage this kind of events from happening and will also encourage the people to accept the vaccines being rolled out,” ani Dr. Abeyasinghe.

Binigyang-diin ni Dr. Abeyasinghe na lahat ng bakunang ginagamit sa ngayon ay mabisa at epektibong panlaban sa COVID-19.

“We continue to say that all vaccines are effective to prevent deaths and prevent severe disease. It does really matter which vaccine you are receiving,” dagdag ni Dr. Abeyasinghe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?