13

Sep 14, 2021 @ 17:43
By

WHO: ‘Pinas makupad sa turukan ng senior citizen

Binira ng World Health Organization (WHO) ang usad pagong na pagbabakuna sa mga senior citizen sa bansa.

“We have made progress but unfortunately, the progress in the Philippines has been painfully slow,” pahayag ni WHO Country Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe nitong Martes.

Aniya, “unfortunate” at “unsatisfactory” na halos 3.6 milyong lolo at lola ang hindi pa nababakunahan kahit isang dose ng COVID-19 vaccine.

Binigyang-diin niya na pito sa sampung namamatay sa Pilipinas dulot ng COVID ay nagmula sa age group ng mga senior citizen.

“We need to do better and we urge local chief executives and local health authorities to prioritize, to create avenues so most elderly people can be vaccinated and their lives protected,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?