54

Apr 14, 2020 @ 12:14
By

WHO pinagso-sorry ng Taiwan

Giit ng pamunuan ng Taiwan, walang batayan ang mga akusasyon ng World Health Organization laban sa kanila.

Kaya naman nananawagan ito ng apology mula kay WHO Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, na sinabing ang Taiwan ang responsable sa racist campaign laban sa mga African national doon.

“For years, Taiwan has been excluded from international organizations, including the WHO, and knows better than anyone else what it feels like to be discriminated against and isolated,” wika ni Taiwanese president Tsai Ing-wen ngayong Martes.

Giniit din ng Taiwan na ipanumbalik na ng WHO ang kanilang observer status sa World Health Assembly, at payagan silang lumahok sa lahat ng mga pulong ukol sa COVID-19 pandemic, upang maibahagi nila ang kanilang mga aksiyon sa pagsagupa sa sakit.

Hindi parte ng WHO ang Taiwan dahil sa pagsalungat ng China, na sinasabing walang karapatan ang Taiwan na maging miyembro ng mga international body.

“Invaluable lessons learned from the 2003 SARS pandemic prompted Taiwan to very quickly take effective preventive and proactive response measures against COVID-19, including treatment, tracking, quarantine and mitigation. Thus Taiwan created a widely recognized Taiwan Model that the international community hopes to learn from,” ayon sa Taiwan.

“Being granted full involvement in WHO would allow us to share our successful experience with the world more effectively, and put an end to the pandemic as quickly as possible,” hayag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?