19

Apr 8, 2021 @ 12:45
By

WHO nag-aalala sa healthcare situation ng PH

Nag-aalala ang World Health Organization (WHO) sa healthcare capacity ng Pilipinas.

Malapit na kasi anilang tawirin ng bansa ang “red line” kung saan malalampasan ng mga kaso ng COVID-19 ang kakayahan ng health care.

Kapag aniya nangyari iyon ay malalagay sa mahirap na sitwasyon ang mga medical frontliner ng ‘Pinas.

“We are concerned about the situation in the Philippines,” ani WHO Regional Director Dr. Takeshi Kasai sa isang press briefing noong World Health Day, Abril 7.

“We are concerned because the [COVID-19] surge is really continuing and moving toward the so-called ‘red line’ [when] the number of cases exceed or surpass the capacity of health care.”

“And we know that once we cross that red line, we put healthcare workers in a very difficult situation and once healthcare workers start [getting the] infection, the healthcare capacity goes down,” lahad niya pa.

Ayon sa mga opisyal ng WHO, ang kasalukuyang pagsipa ng coronavirus cases ay dahil sa iba’t ibang factor, kabilang ang mga bagong SARS-CoV-2 variant at hindi pagsunod sa mga minimum health protocol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?