Sa ngayon, ayon sa World Health Organization, wala pang patunay na ‘di na mahahawang muli sa COVID-19 ang mga indibidwal na naka-recover na mula sa nasabing sakit.
“There is currently no evidence that people who have recovered from COVID-19 and have antibodies are protected from a second infection,” wika ng WHO sa isang pahayag.
Nagbabala rin ang grupo laban sa mga bansa na nagi-issue ng “immunity passport” sa mga COVID-19 survivor dahil sa parehong rason.
Nitong Linggo, ayon sa tala ng Johns Hopkins University, lumampas na sa 200,000 ang mga ginupo ng coronavirus sa buong daigdig.