114

Jun 19, 2021 @ 9:33
By

WHO: Delta pinakamabagsik na COVID variant

Nagiging dominanteng variant ng coronavirus disease sa buong mundo ang Delta, na unang na-detect sa India, ayon sa World Health Organization (WHO).

Paliwanag ni WHO chief scientist Soumya Swaminathan, dahil iyon sa “significantly increased transmissibility” nito o mas mabilis maipasa sa tao.

Lumabas sa mga pag-aaral na 60% “more transmissible” o mas nakakahawa ang Delta variant kesa Alpha, na una namang lumutang sa United Kingdom.

Sa kabila ito na mas mabagsik ang Alpha variant sa orihinal na COVID variant na umusbong sa Wuhan, China noong 2019.

Kumalat na ang Delta variant sa mahigit 80 bansa at patuloy sa pag-mutate, dagdag ng WHO.

May mga ulat din umano na nagdudulot ang Delta variant ng mas matinding sintomas sa mga tinatamaan nito.

Sa Amerika, 10% ng mga bagong kaso nila ay dulot ng Delta variant, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?