18
whiteside
Apr 2, 2018 @ 16:03
By

Whiteside pinagmulta ng Heat dahil sa pagrereklamo

Nakatakda sanang magpakuha ng larawan ang Miami Heat sa Lunes para sa taunang team picture.

Pero mukhang mapipilitan ang iba na ngumiti dahil sa isyu ng 7-foot center nilang si Hassan Whiteside.

Pinagmulta kasi si Whiteside dahil sa mga komento nito laban sa koponan.

Nag-init ang ulo ni Whiteside sa pagkatalo ng Heat sa overtime kontra Brooklyn Nets noong Sabado, 110-109.

Dahil sa pagkatalo, naglaho ang tsansa ng Heat na makakuha ng playoff spot.

Sa reklamo ni Whiteside, sinabi niyang dapat ay mas pinaglaro pa siya ng maraming oras.

“Man, it’s annoying, you know. Why we matching up? We got one of the best centers in the league,” ani Whiteside. “Why we matching up? A lot of teams don’t have a good center.”

Hindi naglaro sa huling 21 minuto si Whiteside noong Sabado – sa huling apat na minuto ng third quarter at sa buong laro ng fourth quarter at overtime.

Gumamit ng maliliit na players ang Nets kaya tinapatan ito ng Heat.

“He had some good moments and then they went to the smaller lineup,” paliwanag naman ni Miami coach Erik Spoelstra sa paggamit ng smaller lineup. “Their speed got to our size.”

Panay naman ang mukmok ni Whiteside sa locker room.

“I don’t know if it’s because I’m on a minutes restriction or what,” himutok ni Whiteside. “But the minutes have been like that all year. It’s just really frustrating and it’s been frustrating.”

Hindi naman sinabi ng Heat ang halaga ng ipinataw nitong multa sa sentro nila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?