5

Sep 28, 2020 @ 23:07
By

White Sox reliever sinuspinde sa pukol

Suspendido ng tatlong laro si Chicago White Sox reliever Jimmy Cordero dahil sa patama niyang pitch kay Willson Contreras ng Chicago Cubs.

Pinagmulta rin ng Major League Baseball si Contreras ng hindi binanggit na halaga.

Bukod sa pitcher, suspendido ng isang laro si White Sox manager Rick Renteria at pinagmulta sila ni pitching coach Don Cooper.

Ejected sina Cordero, Renteria at Cooper sa 10-0 loss ng White Sox nang tamaan ng pukol ni Cordoro si Contreras sa seventh inning.

Pagkatapos ng laro, sinabi ni Cordero na masama lang daw ang bato niya, hindi intensiyonal.

Kumonekta ng three-run shot si Contreras mula kay Dylan Cease sa third at bago umalis ng batter’s box ay binalibag pa ng pagkataas-taas ang kanyang bat.

Pinasalubungan din ni Cotreras ng solo shot si White Sox utilityman Yolmer Sanchez nang bumato sa ninth. Nilista ni Contreras ang pangwalo niyang career multihomer game.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?