30

Sep 7, 2020 @ 16:35

White sand sa Manila Bay dapat ‘di inuna – Ejercito

SDC

May komento si dating Senador JV Ejercito sa pagsasaayos ng Manila Bay, ngayong maugong ang talakayan ukol sa plano ng DENR na pagbuhos ng puting buhangin doon.

Aniya sa Twitter, Lunes, sinusuportahan naman niya ang rehabilitasyon ng Manila Bay.

Gayunman, dapat umanong inuna ang mga sewerage treatment plant, pag-alis ng dumi, at pagkontrol sa waste water kaysa pagtatambak ng buhangin doon.

“I am supportive of the Manila Bay rehab, finally it (sic) good to know its (sic) a work in progress,” ani Ejercito. “But I was hoping that putting white sand should be done after the clean up is completed.”

“Finish the Sewerage Treatment Plants, the dredging of dirt & debris plus control of waste water,” wika pa niya.

Kanina lang, kinumpirma ng Department of Health na maaaring magsanhi ng iba’t ibang respiratory reactions ang dinurog na dolomite rock sa Cebu na pinagmulan ng synthetic white sand na ikakalat sa Manila Bay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?