mcgregor
By

White, McGregor maghaharap

Sharing is caring!

Maghaharap na sa unang pagkakataon si UFC president Dana White at ang problematikong UFC superstar na si Conor McGregor pagkatapos ng ‘pag-ambush’ ng huli sa bus na ikinasugat ng maraming MMA fighters noong Abril sa Barclays Center, New York.

“He and I are meeting on the 18th (US date) of this month,” saad ni White.

Sasalang sa court proceedings sa Huwebes ang dating two-division UFC champion na si McGregor dahil sa kasong assault at criminal mischief at maaaring makulong ng hanggang sa pitong taon kung mahatulan na guilty.

Kaya naman gumagawa na ng aksyon ang kampo ni McGregor upang mapawalang-sala ito, kasama na ang pakikipag-usap sa dismayadong si White.

“I don’t know what’s gonna happen. I don’t know what Conor has planned. I don’t know what Conor and his team have worked on,” ani White.

Nagsimula ang insidente nang sugurin ni lightweight contender Khabib Nurmagomedov ang kaibigan ng 29-anyos na si McGregor na si Artem Lobov sa loob ng hotel.

Ikinagalit ito ni McGregor kaya’t sinugod ang bus na sinasakyan ni Nurmagomedov kasama ang iba pang lalaban sa UFC 223.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?