31

Nov 4, 2017 @ 15:14

White House lockdown: Kelot inaresto sa bomb threat

Isinailalim sa lockdown ang White House dahil sa bomb threat sa north fence-line complex.

Sa report ng USA Today, nagpatupad ng lockdown matapos arestuhin ang isang nagngangalang Ervin Pettaway, 33, ng Washington D.C., na nagsabing naglagay siya ng pampasabog sa north side ng Lafayette Park, malapit sa Pennsylvania Avenue.

Sinabi niya ito sa Secret Service officer ng White House.

Bunsod nito, agad nagpakalat ng dog units at iba pang secret service officers sa lugar at naghalughog.

Wala namang nakitang anumang bomba sa lugar kaya inalis na ang lockdown alas-10:30 ng umaga.

Kakasuhan si Pettaway ng felony threats.

Nangyari ang insidente kung kailan malapit na ang 12-day trip sa Asya ni US President Ronald Trump.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?