50

By

Wheelchair katumbas ng bawat dunk

Bawat dunk at 3-pointer made sa Rookies-Sophomores-Juniors at North vs. South games ng PBA All-Stars, tutumbasan ng VV Promotions ng isang wheelchair.

Ayon kay Vijay Vasandani ng VVP, ido-donate nila sa Alagang PBA ang wheelchairs.

Sa RSJ game noong Biyernes sa Calasiao Sports Center, 34 na 3-pointers ang naipasok, at 10 dunks ang nailista. Mula 3-point range ay bumitaw ng total 112 attempts ang dalawang teams, 21 ang naipasok ng Rookies-Sophomores at 13 sa Juniors.

“Masaya na nakatulong din kami dun sa wheelchairs na ibibigay. Sobrang grateful and thankful kami sa PBA talaga (na nakasama sa event),” ani Javee Mocon, sixth pick ng Rain or Shine sa nakaraang draft.

Ang tip ni Mocon sa sablay ni top rookie CJ Perez ang nagtulak sa Rookies-Sophomores sa 141-140 panalo.

“Sa tatay ko talaga ‘yun idea ng wheelchair, namimigay siya kasi gusto niya makatulong,” pahayag ni Vasandani.

Plano pa nga raw nilang dagdagan ang ipamimigay.

“Gusto namin dagdagan pa, baka doblehin. Tignan natin,” aniya.

Mamayang gabi ang centerpiece North vs. South game ng PBA All-Star weekend, maraming mag-aabang at magbibilang ng jams at 3-pointers na papasok.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?