1,282

Nov 16, 2021 @ 21:29
By

Whamos Cruz nagsumbong kay Lacson

Nagkandautal-utal si TikTok star Whamos Cruz nang makasalubong nila ng nobya si Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson.

Ibinahagi ito ni Cruz sa kanyang YouTube channel, kung saan tinanong niya ng ilang bagay si Lacson tungkol sa Pilipinas.

Una na rito kung ano ang mababago sa buhay ng mga Pilipino sakaling manalo itong pangulo ng bansa.

“Didisiplinahin natin ‘yung burukrasya. Kailangang disiplinado para sa ganoon ang makinabang ang mga kapwa natin Pilipino. Kasi kapag ang gobyerno sira, ano ang mangyayari sa bansang Pilipinas, anong mangyayari sa mga Pilipino ‘di ba?” sambit ni Lacson.

Natuwa naman si Cruz sa sagot ni Lacson kung matatanggal nito ang mga kurakot sa bansa.

Ani Lacson, kumpiyansa siyang magagawa ito dahil noong maging hepe siya ng Philippine National Police ay nagawa niya ito at nawala ang kotong sa kalsada.

“So lahat po ng mga kotong mawawala na po? Ayun! Kasi ‘yung kaibigan ko, ‘yung tropa ko lagi po akong kinokotongan eh. Durog na po ‘yung ulo ko eh,” biro ni Cruz kay Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?