6

By

WGM Frayna tuloy ang pag-ariba

Sharing is caring!

SUMAMPA sa top 10 si Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna matapos ilampaso si International Master Santiago Beltran Rueda ng Spain sa eight at penultimate round ng 44th Open Internacional d’Escacs Vila De Sitges sa Spain, Sabado ng gabi.

Sumiksik si Faryna, 22 sa seven-player group sa seventh place kapit ang 5.5 points, isang puntos na abante sa solo leader at top seed GM Gadir Guseinov ng Azerbaijan.

Limang player naman ang nagsalo sa second na may tig-anim na puntos, kabilang si Russian GM Sergey Volkov.

Hindi pa nakakatikim ng talo si Frayna na suportado ng Philippine Sports Commission at ni Philippine STAR president at chief executive officer Miguel Belmonte, nilista niya ang tatlong panalo at limang draws.

Makakaharap ni Frayna sa susunod na laro ang kababayang si IM John Marvin Miciano na kinaldag si Shrivatri Anuj ng India sa 34 moves ng Gruenfeld Defense.

Nahabol ni GM Jayson Gonzales ang kanyang mga bataan na sina Frayna at 17-year-old Miciano matapos pagulungin si Saha Neelash ng India, mayroon din siyang naipon na 5.5 points.

Ang kampanya ni Frayna ay bilang paghahanda sa nalalapit World Chess Olympiad, (September) sa Batumi, Georgia, lalaro siya sa board 1 sa women’s side. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?