10
westbrook

Westbrook umukit ng kasaysayan vs Grizzlies

Sharing is caring!

Naging unang player si Russell Westbrook sa NBA history na nag-average ng triple-double sa iba’t ibang seasons.

Tumulong din si Paul George ng 40 points sa Thunder para maiposte ang 137-123 panalo laban sa bumisitang Memphis Grizzlies, Miyerkoles ng gabi sa Chesapeake Energy Arena.

Kumolekta si Westbrook ng 20 rebounds para itaas ang season average niya sa 10.05 per game.

May anim na puntos at 19 assists pa siya kontra Grizzlies para tumapos sa season na may average na 25.4 at 10.3, sa magkahiwalay na kategorya.

Nag-average noon si Westbrook ng 31.6 points, 10.7 rebounds at 10.4 assists sa 2016-17 MVP season niya, nang maging unang player din mula pa kay Oscar Robertson noong 1961-62, na nagtala ng triple-double.

“I’m very, very blessed to go out and play every single night,” ani Westbrook sa postgame interview. “I have unbelievable teammates that allow me to do what I do each and every single night. The coaching staff as well and an organization that is behind me.”

Tumapos na may 48-34 record ang Oklahoma sa tulong na rin ni Westbrook.

Ang panalo sa Memphis ang nagsiguro sa Thunder ng upuan sa Western Conference playoffs at posibleng harapin ang Utah Jazz sa first round.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?