31

Sep 12, 2021 @ 19:31
By

Westbrook rumampang nakapalda

Habang ‘di pa nagsisimula ang NBA ay rumampa muna ang bagong LA Laker na si Russell Westbrook – suot ang palda.

Aliw sa kanyang IG post ngayong Linggo (oras sa Pilipinas) ang paglalakwatsa si Westbrook sa siyudad habang suot ang puting longsleeve at black boots.

Ngunit agaw-pansin sa lahat ang puting palda ng basketbolista.

“Don’t address me unless it’s four letters,” saad sa caption ni Westbrook na lyrics ng kanta ni Kendrick Lamar.

Si Westbrook ay ‘di lamang kilala sa malulupit na dakdak at triple-double ngunit pati na rin sa magagarang kasuotan. (MJD)

https://www.instagram.com/p/CTsyNVZJZhB/?utm_medium=copy_link&fbclid=IwAR2BtfwRhPQouWvxOUGY2XB1LgoNKrPe5JKBrqIIdJZXrv-uayHJ9CP1nGc

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?