34
westbrook
Apr 25, 2018 @ 13:33

Westbrook pinagmulta matapos makipagirian kay Gobert

Pinagbabayad ng NBA ng multang $10,000 si Oklahoma City Thunder Russel Westbrook matapos makipag-away kay Rudy Gobert ng Utah.

Ayon kay NBA basketball operations executive Kiki VanDeWeghe, inilabas ang parusa matapos ang bakbakan sa pagitan ni Westbrook at Gobert sa fourth quarter ng laban ng Jazz at Thunder noong Lunes.

Nanalo ang Jazz sa naturang laban, 113-96 para kunin ang 3-1 lead sa best-of-seven series at ilagay sa peligro ang Oklahoma City sa first round.

Inimbestigahan si Westbrook matapos lumabas na pumasok siya sa court mula sa bench para komprontahin si Gobert na nakabangga naman si Raymond Felton.

Giit ni Westbrook, inakala niyang maari na siyang pumasok sa court dahil marinig ang pagtunog ng ‘horn’.

Sa ilalim ng NBA rules, sinumang player ang sumali sa girian mula sa bench ay pagmumultahin at papatawan ng isang larong suspensiyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?