49

Feb 3, 2018 @ 20:22
By

Westbrook napikon sa pasaway na fan!

Wild ang final minutes ng laro ng Oklahoma City at Denver Huwebes ng gabi.

Pero hindi natapos ang eksena sa 127-124 win ng Nuggets.

Pagkatapos ibaon ni Paul George ang step-back 3 para ibuhol ang Thunder sa 124 katiting na 1.4 seconds sa orasan, binitawan ni Gary Harris ang game winner na buzzer-beating 3.

Nagsimula ang selebrasyon ng Nuggets crowd, pero may isang fan na hindi nakapagpigil at pumasok ng court.

Mukhang hinintay talaga ng fan ang pagdaan ni Russell Westbrook, parang hinarangan pa ang Thunder star.

Palabas na ng court patungong dugout si Westbrook, sinisigawan siya ng fan sa mukha na parang inaalaska. Naharangan ang dadaanan, itinulak ni Westbrook ng kaliwang kamay ang fan.

Lumayo ang fan, lumapit ang mga naka-ID na personnel. Naglapitan din ang teammates ni Westbrook at referees.

Sabi nga ni TNT commentator Reggie Miller, isa ring dating astig na NBA player: “He (fan) should be happy he didn’t get knocked out.”

“You’ve got to be able to protect the players,” lahad ni Westbrook pagkatapos.

“The fans can obviously enjoy the game, but they can’t come on the floor.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?