Westbrook may 99 triple-double na; Thunders pinasabog ang Kings

Sharing is caring!

Tumipa si Russell Westbrook ng 17 points at nakuha ang kanyang 20th triple-double ngayong season para tulungan ang Oklahoma City Thunder na talunin ang Sacramento Kings 106-101.

Nangolekta din si Westbrook ng 10 rebounds at 11 assists para makolekta ang kanyang 99th triple double sa kanyang career.

Nag-ambag ng tig-21 points ina Paul George at Carmelo Anthony para sa Thunder na nasa fourth spot sa Western Conference standings.

Lumabas sa laro si Thunder center Steven Adams sa third quarter dahil sa left hip injury at hindi na nakabalik.

Nanguna sa Kings si Bogdan Bogdanovic na may 19 points at Garret Temple na may 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?