Westbrook may 100th triple-double; Thunder sinipa ang Hawks

Sharing is caring!

Kasama na sa kasaysayan ng NBA si Russel Westbrook bilang isa sa mga player na nakaukit ng 100 na triple-doubles sa kanyang career.

Si Westbrook ang ikaapat na manlalaro sa NBA na nakapagtala ng 100 na triple-doubles matapos giyahin ang Thunder sa pang-apat na panalo at talunin ang Atlanta Hawks, 119-107 noong Martes ng gabi.

Kumana si Westbrook ng 32 points, 12 assists at 12 rebounds para samahahin sa elite group sina Oscar Robertson (181 triple-doubles), Magic Johnson (138) at Jason Kidd (107).

“Oh man, just an unbelievable blessing,” sabi ni Westbrook.

“I give thanks to the man above just for allowing me to go out and play the game I love each and every night. I never take it for granted.”

Siya ang ikatlong ‘fastest player’ na nakamit ang nasabing record. Si Robertson ay naglaro ng 227 games bago nakuha ang No. 100 triple-doubles.

Nakuha naman ito ni Westbrook sa kanyang 736 games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?