4

Aug 3, 2020 @ 16:06

Westbrook, Harden pinasabog ang Bucks

MASAGWA ang naging depensa ng Houston Rockets sa panalo nila sa Dallas Mavericks dahil pumuntos ng 149 ang kalaban.

Hindi puwede iyon kapag malakas na team ang makakakalaban kaya hinigpitan ng Rockets ang kanilang depensa kontra Eastern Conference leader Milwaukee Bucks.

Resulta – nagwagi ang Houston kahapon sa iskor na 120-116 sa kanilang pangalawang laro sa restart ng 2019-2020 NBA season.

Kumana si Russell Westbrook at James Harden ng 31 at 24 points, ayon sa pagkakasunod, upang sikwatin ang pangalawang sunod na panalo ng Rockets at ilista ang 42-24 karta.

Nasa No.4 sa Western Conference ang Rockets.

Samantala nanatili sa top spot ng EC ang Bucks tangan ang 54-13 record. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?