40

Oct 20, 2021 @ 13:19
By

Westbrick bumida sa unang laro ng Lakers

Maalat na eight points, five rebounds at four assists lang ang kinamada ng bagong recruit na si Russell Westbrook na naging dahilan kaya’t yumukod ang Los Angeles Lakers sa Golden State Warriors, 121-114, sa opening night ng bagong NBA season ngayong Miyerkoles.

Matatandaang kinuha ng Lakers sa offseason si Westbrook kapalit nina Kyle Kuzma, Montrezl Harrell at Kentavious Caldwell-Pope, ngunit ang bagsik nito sa pagiging triple double machine ay hindi nakita sa unang laban.

Sa halip, napunta kay Stephen Curry ang pagiging halimaw sa kanyang 21 points, 10 rebounds at 10 assists na triple double.

Tinulungan pa si Curry ni Jordan Poole na may 20 points, at Damion Lee at Nemanja Bjelica na may tig-15 puntos.

Dahil inalat si Westbrook, nasayang ang 34 points at 11 rebounds ni LeBron James at 33 points at 11 rebounds ni Anthony Davis.

Ang kakapusan sa tulong nina James at Davis ang naging dahilan kaya’t napag-iwanan ang Lakers sa fourth quarter. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?