21

Apr 23, 2020 @ 12:04
By

West PH Sea sinira! China pasukahin ng P200B – Hontiveros

Binuweltahan ni Senadora Risa Hontiveros ang Chinese Embassy sa Manila matapos na sabihing iresponsable umano ang hinihingi ng mambabatas na pagbayarin ang China sa nagastos ng Pilipinas sa pag-aksyon sa COVID-19 pandemic.

Saad ni Hontiveros, mas iresponsable ang ginagawa ng China na patuloy ang panghihimasok sa pagmamay-aring lupa ng ‘Pinas sa kabila ng nararanasang krisis sa virus.

“It is more absurd and irresponsible to see that, indeed, in the middle of a global pandemic, China has continued to aggressively violate Philippine sovereignty in the region,” saad ni Hontiveros.

Saad ni Hontiveros, nananatili ang kanyang hiling na P200-billion bilang danyos sa pagpapaayos ng West Philippine Sea.

“My previous statement stands: China must pay at least 200 billion pesos in reparations for the damages it has caused in the reef ecosystems for the past 6 years in the West Philippine Sea,” aniya pa. “China’s irresponsible excursions in the region have cost the Filipino people at least 33.1 billion pesos a year, according to University of the Philippines’ Marine Science Institute.”

Nitong Miyerkoles ay naghain ng diplomatic protest ang PH government dahil sa pagdeklara ng China bilang distrito ng Hainan province ang lupa na parte ng Spratly Island.

Giniit ng Chinese Embassy na tinutulungan nila ang Pilipinas sa paglaban sa pandemic, at sinabi pang magkaibigan umano ang dalawang bansa.

Binanatan naman ito ni Hontiveros at sinabing hindi sinasakop ng isang bansa ang tinuturing nitong kaibigan.

“Friends help each other out, not occupy their islands and destroy their reefs,” giit ng senadora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?