59

West gumamit ng ‘lizards’ sa pag-ispiya sa nuclear program ng Iran

Sharing is caring!

Ibinunyag ng dating chief of staff ng armed forces ng Iran na gumamit ang mga Western spies ng butiki para matiktika ang nuclear program ng kanilang bansa, ayon kay Hassan Firuzabadi, senior military adviser ni supreme leader Ayatollah Ali Khamenei.

Ginawa ni Firuzabadi ang pahayag kasunod nang pagdakip sa ilang Western environmentalists na pinaniniwalaang nageespiya sa Iran.

Sabi nito, hindi niya alam ang detalye ng mga kaso nang naaarestong enviromentalists subalit madalas aniyang ginagamit ng mga Western countries ang mga turista, scientists at environmentalist para mag-espiya sa kanilang bansa.

“Several years ago, some individuals came to Iran to collect aid for Palestine… We were suspicious of the route they chose,” pahaya nito ILNA news agency.

“In their possessions were a variety of reptile desert species like lizards, chameleons… We found out that their skin attracts atomic waves and that they were nuclear spies who wanted to find out where inside the Islamic republic of Iran we have uranium mines and where we are engaged in atomic activities,” dagdag pa nito.

Lumabas ang pahayag ni Firuzabadi ilang araw matapos mamatay sa kulungan ang Iranian-Canadian environmentalist, Kavous Seyed Emami, isang buwan matapos siyang dakpin kasama ang iba pang miyembro ng wildlife non-governmental organization.
Ikinulong din nitong linggo si Kaveh Madani, deputy head ng Environmental Protection Organisation.

Pero giit ni Firuzabadi, madalas naman umanong sumasablay ang mga pinapadalang espiya ng mga Western spy agencies sa kanilang bansa, kabilang ang mag-asawang German na nag-espiya sa kanilang nulcear program kamakailan.

“They got them on a fishing boat from Dubai and Kuwait and sent them to the Persian Gulf to identify our defence systems,” ani Firuzabadi.

“But when we arrested them, they said they had come for fishing and were tourists,” sambit ba nito. AFP

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?