27

Mar 6, 2021 @ 11:02
By

Wesley So, sinuka ‘Pinas, isa nang US citizen

Isa nang ganap na American citizen si Wesley So na siya noong pambato ng Pilipinas sa mga chess tournament.

Ani So, hindi naman ibig sabihin na isa na siyang US citizen ay hindi niya na mahal ang bansang kanyang pinagmulan.

Sambit niya, wala kasi siyang nakikitang kinabukasan sa ‘Pinas at Amerika lang ang tanging sagot para matupad niya ang kanyang mga pangarap at mapalawig pa ang kanyang skills sa chess.

“If you work hard, you have a better chance of making it here than anywhere else in the world. I came here ready to work hard, and it turned out just as I dreamed,” wika ni So.

“That does not mean I don’t love the Philippines. I have good memories from there. But I did not have the connections needed to succeed in that culture. I was from the province, not a city boy. Had no money etc. I wanted to go further, and there was only one country a nobody can make it,” pagpapatuloy niya.

Taong 2014 nang nilisan ni So ang bansa upang manirahan at ilakad na ang kanyang US citizenship sa Amerika.

Kasalukuyang World Fischer Random Chess Champion at US Ches Champion si So.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?