13
wesley-so
By

Wesley 3rd sa US Championships

Sharing is caring!

Matapos manaig sa rounds 1 at 2 si super grandmaster Wesley So ay hindi na ito nakatikim ng panalo hanggang sa huling round ng 2018 US Championships na ginanap sa Saint Louis Chess & Scholastic Chess Club sa St. Louis, Missouri, USA.

Lumikom si 24-year-old So ng 6.5 points matapos makipaghatian ng puntos kay GM Hikaru Nakamura sa 11th at final round, lumanding ang dating pambato ng Pinoy sa third place.

Natablahan si Imus, Cavite native So sa third round at nagtuloy-tuloy ito hanggang sa huli laro sa event na may 12-player single round robin.

Nasikwat ni Samuel Shankland ang korona matapos umiskor ng 8.5 puntos habang segundo si Caruana na tangan ang walong puntos.

Parehong tinalo nina Shankland at Caruana ang kanilang nakatunggali sa last round.

Si So na dating pambato ng Philippine Chess Team sa Olympiad ay dala na ngayon ang bandera ng Amerika matapos itong magpalit ng federation may apat na taon na ang nakalipas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?