motocross

Wenson, Quiana rampa sa Malolos motocross

Sharing is caring!

PINATUNAYAN ng mag-utol na Wenson at Quiana Reyes na sila nga ang pumapagaspas na mga bagong star ng motocross matapos dominahin ang kani-kanilang dibisyon sa matagumpay na Malolos City mini-motocross series noong Sabado sa Malolos Sports and Convention race Track.

Sinaksihan ng sangkaterbang nagsisigawang miron ang unang yugto ng serye na suportado ni Malolos Mayor Christian Natividad at inorganisa ng Mx Messiah fairgrounds Academy sa pangunguna ni Pastor Sam Tamayo.

Bago magsimula ang umaatikabong aksyon ng mga batang rider na may edad 14 taon pababa ay paborito ang mga Reyes dahil sa kanilang malawak na karanasan sa motocross.

At hindi nila binigo ang mga miron.
Nagwagi si Wenson sa premier kids 85cc and 65cc divisions matapos biguin ang determinadong sina David Malgapo, Zan Mamaril at Ethan Morales.

Nanguna si Quiana sa girls division (age 14 and below) matapos niyang biguin si Regine May Flores. Nakakuha ng masigabong palakpakan mula sa mga manonood si Quianamatapos gumawa ng high flying jump sa finish line.

Numero uno si Xy Maximo sa All Girls division ( 9 and below ) at ang Kids 50cc (age 7-8).

Lumahok sa karera ang mga batang rider na may edad ages 4-12 para sa mga kalalakihan at 8-14 sa mga kababaihan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,