300

By

Wendy Valdez humingi ng dasal para sa anak

Humingi ng dasal ang former PBB housemate na si Wendy Valdez para sa kanyang anak na si Seth na sasailalim sa isang hip surgery.

Pero hindi natuloy ang operasyon ng bata dahil inatake raw ito ng seizure.

Nilahad ni Wendy na ipinanganak niya si Seth na may spinal bifida. Isa itong birth defect kunsaan may incomplete closing ng backbone at membranes na pumapaligid sa spinal cord. Nagkakaroon ito ng hairy patch, dimple, dark spot, or swelling sa likod kunsaan may gap sa spine ng baby.

Naka-schedule na nga raw na maoperahan si Seth noong February 9 nang biglang nag-seizure ito. Sa latest update ni Wendy sa kanyang anak, bumubuti na raw ang kalagayan nito pero binabantayan daw nila ang temperature nito kaya panay ang pagbigay nito ng sponge bath.

Ang gagawing operasyon kay Seth ay para maitama ang hip bone nito. Kailangan daw kasing lagyan ng braces ang hip ng bata para tama ang pagkaka-align nito.

Isa sa mga naging housemate si Wendy sa season 2 ng Pinoy Big Brother noong 2007. Kinoronahan si Wendy bilang Bb. Pilipinas-Tourism noong 2005.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?