174

By

Wells mamumuno sa 4 na bagong import

Apat ang bagong mukhang import na papagitna sa PBA Governors Cup na sisiklab sa Biyernes sa MOA Arena.

Nagdesisyon ang TNT KaTropa, Alaska, Columbian at grand slam seeking San Miguel Beer na kumuha ng bagong mukhang import.

Sa Beermen si Dez Wells, sa KaTropa si KJ McDaniels, si Justin Watts sa Aces, at Khapri Alston sa Dyip.

Mula Xavier at University of Maryland, undrafted si Wells, 27, sa 2015 NBA draft bago naglaro sa G-League at sa Italy.

Tulad ng import ng TNT sa Commissioner’s Cup na si Terrence Jones, naglaro din sa Houston Rockets si McDaniels, 26.

Produkto ng University of North Carolina si Watts, 29, at naglibot na sa paglalaro sa Mexico, Japan, Uruguay, Netherlands, Poland, Qatar, Lithuania at Switzerland.

“He plays big for his size,” deskripsiyon ni Dyip coach Johnedel Cardel sa kanyang import na si Alston, 25.

Mahilig pumoste ang dating standout ng Midwestern State U na sa taas na 6-foot-5 ay tumitimbang ng 240 lbs.

Dati nang naglaro sa PBA sina Mychal Ammons (TNT), Joel Wrigth (Star), at Marqus Blakely (TNT).

Nasa NorthPort na si Ammons, sa Rain or Shine si Wright, at sa Blackwater si Blakely habang nagpapagaling mula injury ang original choice na si Aaron Fuller na dati na ring naglaro sa NLEX.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?