43

By

Wells binunton ang galit sa Columbian Dyip

Mga laro sa Miyerkoles: (Cuneta Astrodome, Pasay)

4:30 pm – Blackwater vs Rain or Shine

7:00 pm – San Miguel vs NorthPort

Umiskor ng dobleng pigura ang anim sa San Miguel Beer sa panguna nina Dezmine Wells at June Mar Fajardo upang makatayo sa 11 points deficit at malasing ang Columbian, 113-107, sa 44th Philippine Basketball Association Governors’ Cup 2019-2020 eliminations Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tumagay si Wells ng 39 points, 9 rebounds, 5 assists at 2 blocks samantalang may 19 markers at 13 baords si reigning five-time MVP Fajardo para sa masayang pag-welcome kay Moala Tautuaa sa team tapos ng trade sa nakalipas na Martes kay Christian Standhardinger sa NorthPort.

Pakilala rin agad ang Fil-Tongan na may kontribusyong 10 pts., 6 rebs at 1 blk. samantalang may 15 pts. s Alex Cabagnot, 12 si Terrence Romeo at 10 din si Arwind Santos para sa ika-4 na panalo sa anim na laro ng SMB, binuhulan sa ika-2 ang NLEX.

‘Di nasustena ng Dyip ang 11-point lead sa game at nahulog sa ika-7 posisyon sa barahang 3-4 sa kabila na may desenteng 38 pts. at 25 pts. si Khapri Alston.

Natawagan pa si Jackson Corpuz ng flagrant penalty 1 sa 3:09 matapos nitong banggain si Beermen Wells habang papasok sa loob ng paint. Nakalamang din ang San Miguel ng 11 sa laro.

“It was an important game. So happy with my team they controlled me. I just want to play hard and win the game. They played hard against us and Keep your head. They do play hard, and some play dirty. But you got to keep your head. We did what I do to get the win. Good thing my teammate got hold of me and prevented me from hurting, it is so good I have a good teammates,” litanya ni Wells.

“Very emotional siya eh, iniisip niya na kaya niyang solohin na ipanalo ang laro niya. He feel na sinadya siya talaga iyung pagbagsak niya. Madami na kasing banggaan, hindi niya natanggap ang huling bangga,” ani Beermen coach Leo Austria.

Ang iskor:

San Miguel 113 – Wells 39, Fajardo 19, Cabagnot 15, Romeo 12, Santos 10, Tautuaa 10, Ross 5, Pessumal 3, Lassiter 0, Nabong 0.

Columbian 107 – Alston 38, Perez 18, Tiongson 18, McCarthy 17, Corpuz 12, Agovida 2, Gabayni 2, Celda 0, Cahilig 0, Calvo 0.

Quarters: 28-26, 51-52, 76-82, 113-107.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?