17
lattice-boom
By

Welder, patay matapos mabagsakan ng lattice boom

Sharing is caring!

Todas ang isang welder matapos mabagsakan ng lattice boom ng isang crane crawler sa loob ng isang shipyard sa lungsod ng Navotas kaninang umaga.

Sa ulat ni PO3 Joemir Juhan, ng Navotas City Police, alas-nuwebe ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng David Shipyard na matatagpuan sa kahabaan ng Buenaventura St., Barangay Tangos ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan umano noong nagwe-welding sa isang barge sa loob ng shipyard ang biktimang si Bienvinido Cavalida, 47-anyos, habang nakasakay naman sa crane crawler ang operator na si Jose Rucio, 62.

Sa hindi malaman pang dahilan ay bigla na lamang umanong nagloko ang crane crawler dahilan upang mahulog ang lattice boom nito sa mismong kinaroroonan ni Cavalida at nabagsakan ito.

Agad siyang sinaklolohan ng kanyang mga kasamahan at anak na mabilis ding dumating sa lugar nang mabalitaan ang nangyari at isinugod sa Navotas City Hospital.

Ngunit sa kasamaang-palad ay hindi na umabot pa nang buhay ang biktima dahil sa tinamong pinsala sa kanyang ulo at katawan.

Kusa namang nagtungo sa himpilan ng pulisya si Rucio at sakaling mapatunayan na nagkasala ay sasampahan siya ng reckless imprudence resulting to homicide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?