74

May 3, 2020 @ 12:14
By

Welder isinaoli ang wallet na may P6K

Hindi umano nagdalawang-isip ang isang 25-anyos na welder na isaoli ang napulot na wallet na naglalaman ng P6,000 cash sa Peñaranda, Nueva Ecija.

Ayon kay Police Captain Williard Dulnuan, kaagad na nakipag-ugnayan sa kanilang tanggapan si Ralph Ayco Madrid, taga-Brgy. Pob. 2, Peñaranda upang makontak ang may-ari ng wallet na si Francisco Tapang ng Brgy. Sinsajan, Peñaranda.

Laking tuwa ni Tapang na isang karpintero at labis ang pasasalamat sa ginawa ni Madrid sa kabila ng pareho silang bakante sa trabaho dahil sa umiiral na enhanced community quarantine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?