40

Sep 9, 2021 @ 10:19
By

Welcome to the Philippines! Afghan refugees nagpaampon sa ‘Pinas – Locsin

Inanunsyo ni Foreign Secretary Teodoro Locsin nitong Miyerkoles na tumanggap na ang Pilipinas ng unang batch ng Afghan refugees bunsod ng kasalukuyang sitwasyon ng kanilang bansa.

“We stay steady where others waver: tonight we welcome Afghan nationals including women and kids seeking refuge,” saad ni Locsin sa kanyang tweet.

Hindi naman na tinukoy pa ng opisyal ang bilang ng mga refugee na pinatuloy sa ‘Pinas.

“Our doors are open to those fleeing, conflict, persecution, sexual abuse and death. Thank you Sonny & Paul Dominguez, Vince Dizon for bring this to DFA & DOJ’s attention,” aniya.

Ani Locsin, hindi na sila maglalabas pa ng ibang detalye tungkol dito para sa kaligtasan ng mga Afghan.

“No further information will be provided the public for the refugees safety and privacy. So, media, don’t bother any of us,” sey ni Locsin.

“The matter is closed. We’re not interested in publicity or thanks. This is done so one can look at himself in the mirror. Period,” dagdag pa niya.

Ginawa ang naturang paglikas ng mga Afghan matapos silang sakupin ng rebeldeng gupo na Taliban.

Kinuha na kasi ng armadong grupo ang kontrol at kapangyarihan mula sa Afghan government.

Dahil dito, itinaas sa Alert Level 4 ang sitwasyon sa naturang bansa na nangangahulugan ng pwersahang paglikas para sa kaligtasan ng bawat isa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?