1,196
Weird! Nanay ni Curry, sinuportahan ang kalabang koponan
By

Weird! Nanay ni Curry, sinuportahan ang kalabang koponan

Ibang jersey ang suot ni Sonya Curry, ang ina ng Golden State Warriors star na si Steph, sa pagsisimula ng engkwentro sa pagitan ng GSW at Portland TrailBlazers sa West finals.

Bago magsimula ang laban, nagkaroon ng coin toss ang pamilya para malaman kung anong jersey ang susuotin ng mag-asawang Sonya at Dell Curry.

Nakuha ni Sonya ang Portland, kay Dell naman ay sa Warriors.

Kaya’t sa laro, nakasuot si Sonya ng Portland jersey, kampi sa kapatid ni Steph na si Seth.

Sa panayam sa manlalaro, sinabi nitong kakaiba ang pakiramdam nang makita niyang tumayo ang ina na nakasuot ng ibang jersey.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?