harry-roque3
By

Weekly vacation ng PhilHealth exec, pinaiimbestigahan ng Palasyo

Sharing is caring!

Dapat boluntaryong kumilos ang Office of the Ombudsman para imbestigahan ang mga nadiskubre ng Commission On Audit (COA) na illegal na paggamit ng mga ahensiya ng pondo ng gobyerno.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng COA report na gumastos umano ng P600,000 sa kanyang lingguhang biyahe si Philhealth Officer-in-Charge Celestina Ma. Jude dela Serna, kasama na rito ang bayad sa hotel accomodation.

Sinabi ni Roque na hindi pa niya matiyak kung natanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang COA report sa Philhealth pero binibigyan ng kopya ang Kongreso at ang Ombudsman.

Binigyang-diin ng kalihim na hindi lamang ang dapat ang Office if the President ang mag-imbestiga dahil mandato ng Ombudsman na kumilos kahit walang complainant laban sa isang opisyal ng gobyerno.

“The COA reports are given to Congress, they are given to the Ombudsman. So ang apila ko lang po, lahat nitong mga COA report na ito, hindi naman dapat sa Presidente lang ang tinatanong kung ano ang gagawin ng Presidente. Talagang kung meron po talagang paglabag ng anti-graft law, ang constitutional body na dapat nag-i-imbestiga nito, even moto propio, should be the Ombudsman.

So I’m hoping that because the Ombudsman has been furnished a copy of all there reports that they will act on these reports,” ani Roque.

Isa sa mga pangunahing utos ni Pangulong Duterte sa mga opisyal at kawani ng gobyerno ay maging simple at huwag gamitin ang pondo ng gobyerno sa mga biyahe at mga walang kabuluhang bagay na walang pakinabang ang mamamayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?