783

Oct 18, 2019 @ 15:18
By

Wedding videographer nagsalita na sa isyu ng pakikipag-sex sa mga kliyente

Nagsalita na si celebrity wedding videographer Jason Magbanua sa kumalat na balitang kinakama nito ang kanyang mga kliyente at isa sa mga ito ang naanakan niya.

Nag-trending sa Twitter Philippines ang pangalan ni Magbanua dahil sa Facebook post ng isang Jaime Dy.

Ayon kay Dy, mula siya sa Tampa, Florida pero walang mga picture o anumang impormasyon ang Twitter at Facebook accounts niya.

Nilantad niya ang diumano’y pakikipagsiping ni Magbanua sa mga kliyente nitong bride at bridesmaid.

Isa umano siya sa mga bridesmaid sa isang kasal noong 2015 na naka-one night stand si Magbanua at nagbunga ito at nagkaroon siya ng lalaking anak na pinalaki niya nang mag-isa sa Amerika at hindi na ginulo si Magbanua hanggang sa ma-diagnose na may leukemia ang kanilang anak.

Gusto niyang makilala ng kanyang anak si Magbanua bago ito mamatay pero dinededma umano siya ng videographer.

Sa Twitter nitong Biyernes, sinabi ni Magbanua na, “The person—Jaime Dy—is a fabricated persona with a fabricated story.”

Apat na buwan na aniya siyang hina-harass nito, ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

“How do you fight a ghost? an anonymous account who’s been harassing you, your family, your friends and clients for the past four months. Nameless and faceless,” tweet ni Magbanua.

“Any half-sane person would not reconnect her child with an estranged father with the manner you went about. Call me, show up at my office, (which is public information), get a lawyer. IDENTIFY YOURSELF,” dagdag pa niya.

Pinabulaanan din ni Magbanua na mula sa Florida si Dy dahil sa IP addresses ng Instagram accounts ay sa Metro Manila ito.

Gumamit din aniya si Dy ng Instagram na @sigmund_magbanua para i-harass ang anak niyang babae.

Paiba-iba rin umano ng kuwento si Dy tungkol sa kanyang estranged child kada buwan.

Noong Oktubre ay sinabi nitong namatay ang anak niya kung saan nag-comment ito sa mga post ni Magbanua gamit ang @jaimeisbackatit: “You should’ve went to our son’s funeral”.

Dagdag pa ni Magbanua, “Hindi ito hugas kamay. I’m not a saint.”

“But you know guys—I’ll rise above this. This won’t define me. Just wait and see,” aniya pa.

Ilan sa mga naging kliyente ni Magbanua sina Anne Curtis at Erwan Heussaff, Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, at Pauleen Luna-Vic Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?