42

By

Wedding gown ni Meghan Markle $193,000 ang halaga

Sharing is caring!

Na-reveal na ang wedding dress na isusuot ng Hollywood actress na si Meghan Markle sa kasal nito kay Prince Harry on May 19. Nagkakahalaga nang mahigit na £100,000 ($193,000) ang hand-stitched wedding dress ni Meghan na gawa ng British coutouriers na sina Ralph & Russo.

Naging paborito ni Meghan ang Ralph & Russo simula noong masuot nito ang isang black evening dress worth £56,000 sa isang official Kensington Palace engagement photoshoot.

Bukod sa kanyang heavily-beaded gown, may second dress din na isusuot si Meghan para sa private reception sa Frogmore House at Windsor Great Park. Pero complete surprise ang second dress na iyon.

Nakapag-fit na rin ng kanyang wedding suit ang ama ni Meghan na si Thomas Merkle. Confirmed na imbitado at darating ito sa wedding ni Meghan at siya ang maghahatid dito sa altar ng St. George’s Chapel at Windsor Castle.

Before the wedding ay mami-meet personally ng ama at ina ni Meghan na si Dora Ragland ang the Queen Elizabeth II pati na sina Prince Philip, Prince Charles and wife Camilla, Prince William and Kate.

Manggagaling ang ama ng bride sa Rosarito, Mexico kunsaan ito nakatira. Si Doria naman ay nasa U.K. na kasama ni Meghan since November 2017.

“Prince Harry and Ms. Markle are very much looking forward to welcoming Ms. Markle’s parents to Windsor for the wedding…

“Ms. Markle is delighted to have her parents by her side on this important and happy occasion,” ayon sa official statement.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?