20

Jun 11, 2021 @ 16:36

Web developer kasi tatay! Baby pinangalanang HTML

Viral agad pagkasilang pa lang ang isang sanggol dahil sa kanyang kakaibang pangalan.

Sa Facebook post ni Sincerely Pascual, binahagi niya ang pangalan ng anak ng kanyang kuya na si Hypertext Markup Language o HTML.

Web developer daw kasi ang tatay ni HTML kaya inilapit na rin sa trabaho ang pangalan ng kanyang anak.

Ang HTML ay kilalang internet term na ginagamit para sa web page.

“Ang bago kong lalapirutin Hypertext Markup Language R. Pascual,” sey ni Sincerely.


Hindi na ito bago sa kanilang pamilya, dahil kahit siya at kanyang mga kapatid ay naging viral na rin dahil sa kanilang mga pangalan.

Dati nang nabalita ang kanilang pamilya dahil ang buong pangalan ni Sincerely ay Sincerely Yours 98, habang ang kanyang mga kapatid naman ay sina Macaroni 85 at Spaghetti 88.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?