67

Dec 5, 2017 @ 17:43

WBO int’l featherweight champ Magsayo, kinilala ng Senado

Pinagtibay ng Senado ang isang resolusyon na kumikilala kay Mark “Magnifico” Magsayo dahil sa matagumpay na pagdepensa nito sa kanyang World Boxing Organization (WBO) International Featherweight title laban kay Shota Hayashi ng Japan noong Nobyembre 25 sa Tagbilaran City, Bohol.

Sa Senate Resolution No. 562 na inihian ni Senator Joseph Victor Ejercito, kinila nito ang “exceptional performance” ni Magsayo.

“Magsayo’s win is a testament of the determination, perseverance, and strength of the Filipino. It is a source of inspiration for the youth and pride to all Filipinos,” sabi sa resolusyon.

Si Magsayo ay may boxing record na 18-0, na may 13 technical knock-out (TKO) wins.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?