96

By

WBO belt naagaw ni Saludar

Sharing is caring!

Naagaw ni Filipino fighter Vic Saludar ang World Boxing Organization (WBO) minimumweight crown mula kay Japanese counterpart Ryuya Yamanaka via unanimous decision Biyernes ng gabi sa Kobe, Japan.

Sa mga iskor na 115-113, 116-111, 117-110 ay naselyuhan ni Saludar ang kanyang ikalawang tangka na makasungkit ng korona.

Ang tubong Cagayan de Oro City na si Saludar ay unang sumalang sa larangan ng boxing bilang bahagi ng Philippine team na sumabak sa 2010 Asian Games at nakasikwat siya dito ng bronze medal.

May professional record ngayon si Saludar na 18-3 (10 KOs) habang si Yamanaka naman ay bagsak sa 16-3, 5 KOs na record.

Sunod naman na sasalang ang kanyang kapatid na si Froilan Saludar sa Hulyo 27 sa Qingdao, China kontra defending WBO flyweight champ Sho Kimura ng Japan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?