21

Apr 4, 2021 @ 15:14

WBO belt muling sinungkit! Nietes wagi kontra Carillo

Matapos ang lampas dalawang taon, muling sumabak sa loob ng boxing ring si Donnie ‘Ahas’ Nietes.

At sa kanyang pagbabalik, naglista kagad ng panalo at kampeonato ang Pinoy kontra sa Colombian na si Pablo Carrillo.

Huling lumaban si Nietes noon pang 2018 kontra Kazuto Ioka para makuha ang WBO World super flyweight title, ngunit nabitawan din ang naturang belt.

Mukhang kinailangan ni Nietes na kalampagin ang kalawang sa tagal nang hindi pakikipagbabakbakan, ngunit naging epektibo pa rin ang kanyang mga jab kay Carrillo.

Kaya naman binigay ng mga judge kay Nietes ang decision win, 96-95, 98-92, 99-91, at itaas ang kanyang kartada sa 43W-1L-5D, na may 23 knockout.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?