82

Dec 22, 2019 @ 16:53
By

WBC belt ni Kenshiro aagawin ni Petalcorin

Susubukang agawin ni Pinoy boxer Randy Petalcorin ang WBC junior flyweight belt ni Kenshiro Teraji sa kanilang bakbakan ngayong araw sa Yokohama, Japan.

Ikapitong title defense fight ito ni Kenshiro pero hindi dinadaga si Petalcorin.

“Ever since I started boxing, I always wanted to fight the best fighter in the world for the WBC title,” kwento ni Petalcorin sa wikang Filipino.

“My dream will come true tomorrow when I fight Shiro.”

Si Teraji ang numero unong 108-pound fighter mula sa listahan ng ng ‘The Ring’, ang itinuturing na Bible ng boksing.

“I’m happy to be fighting against Petalcorin,” pahayag ni Teraji na may 16-0 kartada at 9 knockouts. “I saw his fight video. He is [a] good boxer but I exceed [him in] everything.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?