37

Jun 24, 2022 @ 11:01
By

Wattah Wattah Festival muling nabuhay sa San Juan

Matapos ang tatlong taon, nagbalik na ngayong Biyernes ang sikat na Wattah Wattah Festival sa San Juan City.

Ang pista ay kilala sa basaan ng mga residente. Ngayong taon, mga firetruck ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nag-basa sa mga residente ng lungsod.

Huling ginanap ang kasiyahan noong 2019. Natigil ito dahil sa COVID pandemic.

“After three long years, ito na po ay magaganap muli ang aming selebrasyon ng aming kapistahan na nakasanayan ng bawat isa,” pahayag ni Mayor Francis Zamora.

Si Saint John the Baptist ang patron ng lungsod.

Dahil sa pista, inabisuhan ang mga motorista na iwasang dumaan sa Pinaglabanan Shrine dahil isinara ito sa mga sasakyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?