58

By

Watsons saleslady sumalisi ng 2 lipstick

Sharing is caring!

Kulungan ang bagsak ng isang saleslady matapos na mabuking sa pagtatago ng ninakaw na lipstick habang papalabas sa kanilang break time nang mahuli ng guard sa loob ng Watsons Boutique sa Megamall sa Mandaluyong City.

Nakilala ang suspek na si Rhodora Roya y Gregorio, 23-anyos, saleslady ng Watson’s Boutique at residente ng Talanay A., Pinaglabanan, Batasan Hills, Quezon City.

Ayon sa report, nahuli ang suspek bandang alas-4:13 Miyerkoles ng hapon sa break time schedule ng mga saleslady ng Watsons store sa loob ng Megamall.

SOP umano sa mga staff na i-check ang mga gamit sa frisking area ng mga lalabas subalit nabuking ng on-duty lady guard M. Enciso ang pang-uumit ng suspek nang siyasatin nito ang bag ni Roya at napansin ang maliit na pouch na naglalaman ng dalawang L’oreal Lipstick.

Hinanapan nito ng resibo ang suspek subalit walang maipakita kaya dinala ito sa admin office para sa interogasyon at doon na nalaman na ninakaw ng suspek ang dalawang lipstick na nagkakahalaga ng mahigit P500 ang bawat isa.

Hindi na nakatanggi pa ang suspek at inamin ang ginawang pagnanakaw.

Agad na dinala sa PCP-4 ng Mandaluyong Police station ang suspek at sinampahan ng kasong qualified theft.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?