50

Nov 2, 2018 @ 16:03
By

Watson umalis na, Rain or Shine tatapusin ang Gov’s Cup na all-Pinoy

Pinayagan ng Rain or Shine Elasto Painters management na tumulak na paalis ng bansa ang kanilang import na si Terrence Watson.

Ito ay dahil kailangan nitong puntahan ang asawa na kakapanganak na lang.

Nitong weekend ay nakaalis na sa ‘Pinas si Watson, na lalong magpapahirap sa ROS na kulang sa big man dahil suspendido pa rin si Raymond Almazan dahil sa paga-AWOL o biglang pag-alis ng ‘di nagpapaalam, at Beau Belga na hindi pa rin nakakarekober sa foot injury.

Bagamat sigurado nang pahinga ang Rain or Shine sa kartadang 2-8, hindi pa rin dapat makasigurado ang kanilang huling makakalaban dahil nais pa rin nilang maging competitive sa kanilang pinal na salang ngayong season.

“We’ll still give our best no matter kung sino yung nandito. We’ll try to finish the season strong,” pakli ni ROS head coach Caloy Garcia.

Makakaharap nila ang NLEX sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?